Ang Isang Ekonomiya sa ating Bansa
Ang Ekonomiya ay ang pag-aaral na naglalaman ng mga pangyayari sa isang bansa o lugar kung saan ay ating malalaman ang mga pagbabago nito sa paglipas ng mga taon. Maari ding sabihing sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa. Kailangan natin itong malaman upang mas maunawaan natin ang mga sektor sa isang bansa o ang ating bansa. Ang ating bansa ay may tatlong sektor: Agrikultura, industriya, at Paglilingkod.
Ngayon ibahagi namin ang aming kaalaman sa iba't- ibang sektor ng ating bansa. Ibabahagi namin ang mga suliranin at mga solusyon sa mga ito at ang mga benepisyong natatanggap ng ating mga mamamaya.
MGA BATAS SA REPORMA NG LUPA
Ang mga batas na ito ay sinasabing nakakatulong sa ating mga magsasaka at nagpapaunlad sa sektor ng Agrikultura. Alamin natin ito para mas maunawaan nating kung ito ba'y nakakatulong para mapaunlad ang ating ekonomiya.
Ang mga batas na ito ay sinasabing nakakatulong sa ating mga magsasaka at nagpapaunlad sa sektor ng Agrikultura. Alamin natin ito para mas maunawaan nating kung ito ba'y nakakatulong para mapaunlad ang ating ekonomiya.
-Ipinatutupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling-kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa.
- Isa ring itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ibinibigay din ng RA 6657 ang isang mekanismo para sa pagpapairal nito. Nilagdaan ito ng dating pangulong Corazon C. Aquino noong 10 Hunyo 1988. Ito rin ang
naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP).
-ito ang batas na namamahagi ng lupa ang pamahalaan sa mga pamilyang walang lupa at sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.
- AFMA (Agriculture and Fisheries Modernization Act)
-ito ang batas na nagpapaunlad ng subsector na pangingisda at pagsasaka sa pamamagitan ng modreno at makabagong mga kagamitan upang makasigurado sa seguridad at kalidad ng bawat produkto.
- Kalahi Arzone
- ito ay isang sona na binubuo ng isa o higit pang munisipalidad na may layunin na gawing produktibo ang agrikultura.
-ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal sa lupa ay tinuturing na tunay na may-ari ng lupa.
MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG ATING EKONOMIYA AT SOLUSYON NITO
Kakulangan -Ito ay kadalasang umiiral sa tuwing may pansamantalang pagkukulang ng suplay ng isang produkto o serbisyo. Sa isang ekonomiya, madalas na nangyayari ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan. Kapag naisaayos na ang suplay, nawawala na awtomatiko ang kakulangan. Sa madaling salita, mas madali itong masolusyunan kumpara sa kakapusan.Mga senyales: Bumababa ang suplay ng mga produkto sa mga pamilihan o merkad. Kapag hindi mapigilan ang pagtaas ng demand. Solusyon: Ang isang bansa ay kinakailangan ng tulong ng mga mamamayan o kooperasyon ng mga tao kung gustong maisakatuparan ang mga hakbangin na nabuo. Mawawalan ito ng bisa kung ang mga mamamayan mismo ay walang kooperasyon at walang tiwala na uunlad ang ekonomiya ng bansa. Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay makakatulong upang magkaroon ng paniniwala na magreresulta ng maganda ang mga paraang gagamitin.
- Matutong magreserba
- Paggamit ng mga bagay na mas importante kaysa sa mga bagay na maari namang isantabi.
Korapsyon
-Batid naman nating lahat na ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsyon sa ating pamahalaan. at ito ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.”Ganun pa man ang korapsyon ay patuloy pa ring laganap sa kadahilanang ang mga nasabing ahensya ay hindi nabibigyan ng lubos na kapangyarihan upang labanan ang korupsyon.
Solusyon: Ang maitutulong namin upang mabawasan ang tahasang pag nanakaw sa kaban ng bayan ay ang simpleng pag babayad ng tamang buwis, iwasan ko ang pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon. At maging isang huwarang ina, kaibigan at katinig na may takot sa diyos at hindi marunong gumawa ng masama o mang abuso kanino man lalong lalo na sa ating Bayan.
Implasyon
-Ito ay tumutukoy sa pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang takdang panahon.Mga hindi mabuting epekto: mga nagpapautang, maga nag-iimpok, at mga taong di tiyak ang kita.
Solusyon: Pagpapatupad ng tight money policy, produksyon para sa lokal na pamilihan, pagtatag ng price control, at pataasin ang produksyon.
Pagkababa ng halaga ng Piso
-Ang mahinang piso ay mainam sa ating exporters na kumikita ng dolyares. Ibig sabihin nito ang ating ekonomiya sa bansa ay mababa.
Unemployment Rate
- pagkawala o kakulangan sa trabaho dahil sa kakulangan sa pag-aaral, pag bagsak ng industriyang pinapasukan, pagkaunti ng mapapasukan na kompanya at kontaktuwalisasyon.Solution: Pagkakaroon ng Job Fare sa ating bansa. Pagtulong ng TESDA sa mga mamamayang nagkukulang sa kaalaman para makakuha ng trabaho.
MGA BENEPISYONG MAKUKUHA SA AMING ADBOKASIYA
- Malalaman natin rito ang mga kahalagan ng pagpapaunalad sa ating ekonomiya. Sa mga natutunan nating mga batas reporma ng lupa na nakakatulong sa ating mga magsasaka.
- Malalaman natin rito ang mga suliranin ng ekonomiya sa ating bansa at papaano ito sosulusyunan gamit ang ating mga kakayahan at kaalaman.
- Magkakaroon ng mga kaalaman sa mga batas na isinagawa ng ating mga dating pangulo para sa sektor ng Agrikultura ng ating bansa.
- Magkakaroon tayo ng paraan o solusyon para gumanda o tumaas ang ating ekonomiya sa ating bansa.
- Matututo tayong gumawa ng paraan para mapaunlad ang ating ekonomiya dahil sa aming ginawang adbokasiya. Mas magkakaroon tayo ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating ekonomiya kaya't tayo ay magkakaroon ng mga ideya para masolusyunan ang mababa nating ekonomiya at paano ito mapataas o mapaganda ang ating ekonomiya sa bansa.